Wednesday, October 18, 2006
posted at 10:13 AM
Hoooo! Andali ng finals namin sa Chem. Sisiw! Akalain mong 43/45 ako. Kahit nakapanghihinayang yung dalawang puntos na hindi ko nakuha.. ayos lang. Yung departmental at unit test ko naman sa parehas na asignatura ay pasang awa lang pero masaya na rin ako dahil hindi naman ako nagaral dun.
Masaya ang araw ko kahapon.:x Hindi lang dahil mataas ang final exam grade ko sa chem, dahil din berday namin (ulit) kahapon. ^_^ Ambilis ng panahon.
Kahapon din ay limang buwan na kaming magkakasama ng aking mga true friends sa block: Lianne, Cheska at Mich. Si Alvi ay apat na buwan na naming kasama. Eeeek! Ang sweet namin. Hahaha.
Magkkwento pa ko! Pero mamaya na ulit. Bwisit may pasok pa kami mamayang 4:30.. at batch consultation lang yun. Bababa pa ko para sa isang oras na eklavu kasama ang adviser namin. =<
Aia