Monday, March 28, 2005
posted at 7:21 PM
i feel so sad, morose, depressed, unhappy, dejected, despondent, blue, downhearted, glum, gloomy, woeful, downcast, dispirited, low-spirited, cheerless, crestfallen, chapfallen, forlorn for no particular reason. (tinignan ko lang yan sa thesaurus)
---oOo---nung bata pa lang ako, lagi akong tinatanong ng mga kaibigan o kakilala ng nanay ko kung gusto ko magkaroon ng kapatid, at ang lagi kong sinasagot ay "Ayos lang!", "Ok lang!", "Pwede." na medyo halata sa mukha na napilitan lang. ngayon, nakita at nararamdaman ko na ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang (o mga) kapatid. kung meron sana ako ngayon, merong magiingay sa bahay, may makikiagaw sa computer, may manghahablot ng remote, may mambubulaho kapag natutulog, may mangbuburaot, may mangaaway at mangaasar, may aawayin at may aasarin ako, may mangbubulgar ng mga sikreto mo. in short may buhay ang buhay ko! how i wish i have brothers, sisters, siblings... *sigh*
- noodles loves you